Followers

About Me

My photo
ako ay si kathereen labinpitong taong gulang.. mahilig sa kulay pink, red at black.. maliit na bata 5' flat ang taas.. morena.. at may nakaka-akit na ngiti..(wala ng papalag).. ako ang taong di marunong lumaban.. tahimik ngunit pag nagAmok ay sadyang mapanganib.. ayoko lang na pinaghihigpitan ako ng sinturon dahil malamang-lamang ay hindi ako makakahinga.. hindi ako sanay mgasalita ng literal base sa panlabas na hubog ng letra.. mas nais ko kasi na sabihin ito ng may ART.. hahha(maarte kasi)

Sunday, July 4, 2010

dapat malaman mo itong malaman kasama ako!

Tayong mga tao, dapat matuto tayong tumingin hindi lang sa taas o sa mga bagay na madali lang makita.. kailangan matutunan nati'ng yumuko at magpakumbaba sa mga bagay na akala mo'y wala lang para sa iyo, sakanya. o kanino man.. yung tipong mga bagay na kala mo walang kabuluhan..pero di mo alam na "MALAKI" ang epekto nito sa pagkatao ng isa na kailan ma'y di mo pinakinggan.. parang kalat yan e.. isang maliit na kalat na kapag naipon ay malaki ang epekto sa kapaligiran. Ganyan din sa tao ang epekto ng maliit na bagay na kung tawagi'y walang "kabuluhan"..
Tulad ng aking pinanghahawakang paniniwala sa usaping ito na, "h'wag mong tingnan ang bagay na nagtataglay ng kinang sa labas, sa halip ay ibaling mo ang mga mata mo sa parte nito na hindi masyadong napapansin", tila isang insidente naman ang pagkakasambit ng aking kasalukuyang guro , na kanya namang sinabi " h'wag mong tanggapin ang mga bagay na AS IS" na maaaring totoo nga naman, sapagkat hindi lahat ng bagay ay literal ang ibig sabihin. May mga bagay kasi sa mundo na sadyang ginawa upang makabuo ang isang tao ng kritikal na pag-iisip ukol sa mga usaping kinakailangan ng matinding pag-aanalisa.
Maraming bagay sa mundo na puro AKALA. Mga taong di alam ang oo sa hindi at tama sa mali. Wala rin namang nagsasabi na ang pananaw ng isang tao ay mali kung para sakanya'y ito ang tama, pero tatlong bagay ang dapat tandaan na sa bawat kilos at galaw, pananalita, pagtrato at pag-uugali ng isang tao ay nararapat na isaalang-alang ang respeto, pagpapakumbaba at pagtanggap sa mga maaaring kahinatnan ng mga binitawang salita sa marami.

No comments:

Post a Comment