Isang ngiti ang sumalubong sa'aking pagmulat. Sumambulat ang isang mensahe na tila sabik na sabik na matunghayan ang kinang ng mga matang nangungusap. Ngunit bakit ganoon??,ang pagkikitang ninanais ay nauwi sa isang "BIRO" at di makatarungang pagtuldok kasabay ng takip silim.
Sa pagsiwalat ng panibagong araw, marami ang tumambad ng mensaheng yumanig sa aking ulirat. Ilang pagsangguni ang aking nagawa ngunit iisa ang kanilang sagot, "HINDI". Dumami ang tanong na bumubulong sa aking tainga, na tila ba' gusto nitong paputukin sa sakit ang aking utak sa kaiisip na "dapat bang magbigay ako ng tiwala?, maniniwala pa ba ko sa pagsambit n'ya ng mga salita na kadalasa'y humahantong sa isang mapagkunwaring pangako?" haayss..
Isa lamang iyon sa mga simpleng usapin sa buhay, ngunit kung iyong titingnan ang dating nito sa isang murang isip,, sa tingin mo ba'y ito ay kanyang mauunawaan?? kung gayo'y wala man lang s'yang nalalaman 'ni isang detalye doon?? tingin mo ba'y makikita n'ya ang biro doon??
alam nating parte iyon ng buhay, maraming mapagbiro, na'mbibiro, binibiro at bibiruin, ngunit para saan ang salitang "ilagay mo sa tama".
Marami pa rin sa ating mga tao ang di alam ang tama sa mali. Marami pa rin ang naguguluhan sa mga dapat at di dapat gawin.. mahirap bang intindihin ang konsepto ng "TRUE OR FALSE".
Marami akong nalaman, natuklasan sa araw na iyon.. Tumatak na agad sa isip ko..
>>>>>>>>>> haayss.. masakit malaman na tingin pala sa iyo ng isang malapit na tao na madaling ka'ng madala at maakit sa isang salita..X/// toogss.. toogss.. kaya payo ko sa'inyo.. wag kayong msyadong mgtiwala.. ang tiwala minsan haluan nyo nh hinala para di kayo masaktan msyado.. hahha.. subok na yan..XDD haayss.. itolng muna..<<<<<<<<<<
Followers
About Me
- Kayen
- ako ay si kathereen labinpitong taong gulang.. mahilig sa kulay pink, red at black.. maliit na bata 5' flat ang taas.. morena.. at may nakaka-akit na ngiti..(wala ng papalag).. ako ang taong di marunong lumaban.. tahimik ngunit pag nagAmok ay sadyang mapanganib.. ayoko lang na pinaghihigpitan ako ng sinturon dahil malamang-lamang ay hindi ako makakahinga.. hindi ako sanay mgasalita ng literal base sa panlabas na hubog ng letra.. mas nais ko kasi na sabihin ito ng may ART.. hahha(maarte kasi)
Monday, July 19, 2010
Sunday, July 4, 2010
dapat malaman mo itong malaman kasama ako!
Tayong mga tao, dapat matuto tayong tumingin hindi lang sa taas o sa mga bagay na madali lang makita.. kailangan matutunan nati'ng yumuko at magpakumbaba sa mga bagay na akala mo'y wala lang para sa iyo, sakanya. o kanino man.. yung tipong mga bagay na kala mo walang kabuluhan..pero di mo alam na "MALAKI" ang epekto nito sa pagkatao ng isa na kailan ma'y di mo pinakinggan.. parang kalat yan e.. isang maliit na kalat na kapag naipon ay malaki ang epekto sa kapaligiran. Ganyan din sa tao ang epekto ng maliit na bagay na kung tawagi'y walang "kabuluhan"..
Tulad ng aking pinanghahawakang paniniwala sa usaping ito na, "h'wag mong tingnan ang bagay na nagtataglay ng kinang sa labas, sa halip ay ibaling mo ang mga mata mo sa parte nito na hindi masyadong napapansin", tila isang insidente naman ang pagkakasambit ng aking kasalukuyang guro , na kanya namang sinabi " h'wag mong tanggapin ang mga bagay na AS IS" na maaaring totoo nga naman, sapagkat hindi lahat ng bagay ay literal ang ibig sabihin. May mga bagay kasi sa mundo na sadyang ginawa upang makabuo ang isang tao ng kritikal na pag-iisip ukol sa mga usaping kinakailangan ng matinding pag-aanalisa.
Maraming bagay sa mundo na puro AKALA. Mga taong di alam ang oo sa hindi at tama sa mali. Wala rin namang nagsasabi na ang pananaw ng isang tao ay mali kung para sakanya'y ito ang tama, pero tatlong bagay ang dapat tandaan na sa bawat kilos at galaw, pananalita, pagtrato at pag-uugali ng isang tao ay nararapat na isaalang-alang ang respeto, pagpapakumbaba at pagtanggap sa mga maaaring kahinatnan ng mga binitawang salita sa marami.

Subscribe to:
Comments (Atom)